Crystal Faith E. Ladores
September 29, 2022
"ISKWATER"
1. Ano ang Sentral na paksa ng sanaysay?
• Ang sentral na paksa ng sanaysay ay tungkol sa mga taong nakatira sa iskwater area.
2. Mayroon bang paksa na di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
• Ang alam ko lang, ang iskwater ay ang lugaw kung saan mahihirap lamang ang naninirahan.
3.Ano ang layuning may-akda sa pagtalakay sa teksto? Ipaliwanag.
• Ang layunin ng may akda sa teksto ay para malaman ng mga mambabasa na hindi lahat ng nakatira sa iskwater ay mahihirap.
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinang-ayunan? Bakit?
• Ang ideyang aking sinag-ayunan ay ang iskwater ay para lamang sa mga mahihirap.
• Hindi ako sang-ayon na kahit mayaman ay nakatira sa iskwater dahil ang mga mayaman ay may kakayahang magpatayo at bumili ng bahay na para sa kanila.
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
•Nakakaugnay ako sa mga kaisipang sa teksto dahil malaki ang sanhi ng kahirapan ay epekto nito sa mga kabataan. Yung iba ay mawawalan na ng tiwala sa kanilang sarili at sa ating gobyerno.
6. Gaano kahalaga ang pagtatalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
•Oo, Dahil ang mga mayaman ay doon na rin nakatira sa iskwater. At atin ding nalaman na ang mga tao doon ay wala ng tiwala sa ating gobyerno.
7. Paano maiugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
•Maiugnay ang teksto sa realidad ng lipunan dahil hanggang sa ngayon ito ang isang problema ng ating gobyerno dahil habang tumatagal dumarami ang mga taong nakatira sa iskwater. At hindi lamang mahihirap ang mga nakatira dito dahil maraming mayaman nadin ang naniniwala dito.
Comments
Post a Comment